DSWD detention cell, nalusutan ng 3 menor

TATLONG MENOR DE edad ang nakapuga sa detention facility ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tunasan, Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr.alas- 8:45 ng umaga nang madiskubre wala sa kanilang selda ang tatlo na itinago sa pangalang Faizal, 17, may kasong murder; John, 17, may kasong robbery with frustrated murder at Romeo, 17, may kasong pagnanakaw.

Sinasabing sinira ng tatlo ang rehas ng kanilang selda saka tumakas.

Patuloy namang iniimbestigahan ang naturang jailbreak.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.