DSWD Budget, ‘di pa lusot

IPINAGPALIBAN NG Mababang Kapulungan ang P34 bilyong budget deliberation ng Department of Social Welfare and Development sa Biyernes ng hapon.

Sa dalawang magkasunod na araw mula noong Martes, ang deliberation para sa DSWD budget ay inabot ng hatinggabi dahil sa hindi maubos-ubos na tanong ng ilang mambabatas. Bawat isa sa mga ito ay mayroong isang oras upang magtanong sa sponsor ng nasabing budget.

Ayon kay Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin, pinagpasiyahan ng Kongreso na ipagpaliban ang DSWD budget deliberation hanggang sa Biyernes dahil sa mga “interpellators” na nasa talaan.

Noong Martes ng gabi, inihayag ni Pampanga Representative at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang P21-bilyong budget para sa conditional cash transfer (CCT) ang sinasabing flagship program ni PNoy.

Isinakatuparan ng DSWD ang CCT para tumayong tagasuri sa karagdagang 1.3 milyong mahihirap na pamilya sa taong 2011 na makakakuha ng maximum P1,400 sa loob ng 10 buwan.

Ang malaking gugugulin sa nasabing programa ay dapat na ibuhos na lang sa edukasyon, imprastraktura at kalusugan, pahayag ng ilang mambabatas.

Ang ibang naka-linya para sa budget deliberation kahapon ay ang budget para sa National Economic Development Authority, Legislative-Executive Development Advisory Council, Department of Interior and Local Government, Department of Budget and Management, Department of Transportation and Communications, at Department of Education.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.