Drug pusher, timbog dahil sa away-kalye

HAGONOY, BULACAN – HINDI na nagawang makatakas ng isang lalaki sa mga nagrespondeng pulis, matapos arestuhin dahil sa pagkakasangkot sa away-kalye sa Brgy. San Agustin sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek si Ross Vengco, nasa hustong gulang, residente ng Sitio Hulo, Purok ll, Brgy. San Agustin.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni P/Supt. Fitz Macariola, director ng Provincial Public Safety Company , dakong alas- 7 ng umaga nang madakip ang suspek sa nabanggit na lugar.

Makaraang ireklamo ng kanyang kaalitan, nabanggit na may nakibin-

bin na kaso si Vengco sa sala ni Branch 80 RTC Judge Resurreccion Ramos-Buhat na paglabag sa Sec. 5 Article ll ng Republic Act 9165.

Detinido ngayon ang suspek sa Hagonoy Municipal Jail, kung saan walang piyansang ine-rekomenda ang korte para sa kalayaan ng suspek.  (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.