Drug Pusher si Ma’am

SA HALIP na sa eskuwelahan para magturo at magbigay ng gabay at dunong sa mga batang mag-aaral, isang guro ang nahuli sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drugs Enforcement Agency Region 2 sa Brgy.Tallungan sa Reina Mercedez, Isabela.

Sa ulat na tinanggap ni Regional Director Juvenal Azurin ng PDEA-R02 kinilala ang suspek na si Rachel Malsi, 40-anyos, may-asawa at elementary school teacher ng Labinag Pequenio.

Narekober sa kanyang pag-iingat ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu at P2,000.00 bilang ginamit na marked money sa nasabing operation.

Nabatid na matagal ng nasa surveillance ng PDEA ang naturang guro dahil sa lantaran umano nitong pagbebenta ng droga sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa isinagawang drug test kay Malsi na nag-positibo na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kung kaya’t agad na sinampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drug Act R.A 9165.  (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Drug Pusher si Ma’am

Leave a Reply

Your email address will not be published.