Drug den, Sinalakay; 6 tiklo

INIHAHANDA NA ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa anim na katao na nahuli matapos salakayin ng mga kinauukulan ang dalawang bahay na ginagawang drug den sa Santiago City, Isabela.

Base sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Santiago police office, arestado ang itinuturing sa ika-siyam sa listahan ng PDEA na nagtutulak ng droga sa rehiyon na si Roderick Dela Cruz na siyang lider ng binansagang Dela Cruz drug group sa Brgy. Rizal, Santiago City.

Napag-alaman na liban kay Dela Cruz, naaresto rin ng mga awtoridad sina Regina Ariola, Benedict Jacinto, Carlos Corpuz, Modesto Cajas, at Kristan De Leon nang halughugin ang kanilang drug den batay sa bisa ng search warrant na pinalabas ni Judge Anastacio Anghad ng Regional Trial Court Branch 36 sa nasabing lungsod.

Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang kabuuang 20 plastic sachets ng pinaniniwalaang Shabu, cellphone, P27,000 cash at drug paraphernalia at ilan pa sa mga ito ay naaktuhang nagpa-pot session.

Lumalabas sa pagsisiyasat na unang pinasok ng PDEA agents ang bahay ni Regina, 36, sa Barangay Rizal, kung saan nakumpiska rito ang 10 plastic sachet, cash na P27,000 ilan pang plastic sachet na may tira-tirang crystaline substance at mga drug paraphernalia.

Pangalawang pinasok ang tahanan ni Dela Cruz, kung saan nakuha sa loob ang 10 sachet ng Shabu, ilan pang sachet na may tira-tirang crystaline substance at ilang pang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga salarin habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. (PARAZZI REPOR-

TORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.