Drug Den sa Caloocan, Sinalakay

ISANG TULAK ng Shabu at isang mag-ama ang naaresto makaraang lusubin ng mga awtoridad kung saan ang mag-ama ay nahuli sa aktong gumagamit ng nasabing droga sa loob ng drug den sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Emmanuel Hernan, 34 anyos, binata, drug pusher; at ang bayaw at pamangkin nitong Renato Solares, 36 at Roswal, 18, pawang residente ng ng Tangke, Brgy. 180, Tala ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng Station Anti-Illegal Drug – Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Caloocan City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang isagawa ang nasabing buy-bust operation sa loob ng isang drug den na pag-aari ni Hernan.

Nabatid na isang elemento ng SAID-SOTG ang nagpanggap na buyer ng Shabu at habang iniaabot ni Hernan ang dalawang heat-sealed transparent sachet ng Shabu ay sinenyasan ng buyer ang kanyang mga kasamahan na naging ugat para salakayin ang drug den na nagresulta sa pagkakaaresto sa drug pusher.

Sa puntong ito, naaktuhan ng mga awtoridad ang mag-ama na parehong gumagamit ng nasabing droga at nakuha sa loob ng drug den ang isang rolyo at strip ng aluminum foil, tatlong disposable lighter na puro dilaw, at dalawang bukas na sachet ng Shabu.

Ang suspek na si Hernan ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (selling of dangerous drugs) at Sec. 6 (maintaning drug den), habang ang mag-amang Solares naman ay kakasuhan ng paglabag sa section 15 o use of dangerous drugs.

Ang mga naaresto ay detinido ngayon sa Caloocan City Police Station kung saan si Hernan ay hindi binigyan ng Caloocan City Prosecutor’s Office ng piyansda.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.