Drug Couriers, Patay sa Shootout sa Laguna

PATAY ANG ISA sa dalawang drug couriers nang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa Laguna, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang napatay na si  Marcelo Tolentino, residente ng Carmona, Cavite at kasama sa watchlist ng pulisya sa mga taong sangkot sa operasyon ng droga.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa drug trade sa Barangay San Vicente sa Biñan City kaya’t agad naglatag ng checkpoint operations.

Naharang si Tolentino kasama ang isa pang kasabwat lulan ng motorsiklo na walang plaka subalit sa halip na huminto ay pinaputukan nito ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad kaya’t napatay si Tolentino habang nakatakas ang kasama nito.

Narekober sa lugar ng insidente ang isang caliber 9 mm, sampung basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singko, cash, at isang sachet ng hinihinalang shabu.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.