‘Drone Strike’ ng US sa Mindanao, itinanggi ng AFP

TAHASANG PINASINUNGA-LINGAN kamakalawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lumabas na balita sa isang pahayagan sa Amerika hinggil sa sinasabing “drone strike” ng US government sa Southern Philippines .

Sa kanyang pahayag, iginiit ni AFP spokesman Col. Arnulfo Marcelo Burgos, Jr. na walang katotohanan ang nailathalang istorya sa New York Times.

Ayon pa sa opisyal, hindi umano pinahihintulutan sa ilalim ng batas ang direktang partisipasyon ng foreign military forces sa Pilipinas.

Samantala, inamin naman ni Burgos na nagkakaroon lamang ng “sharing of information” at training ang US forces sa bansa.

Nabasa sa July 6, 2012 New York Times article na sinulat ni Mark Mazzetti, kung saan ibinulgar nito ang ginawang bombing operation ng Amerika sa Mindanao gamit ang isang “American Predator unmanned aerial vehicle” (drone) noong 2006.

Sa nasabing pangyayari, napag-alamang target umano ng operasyon ang Indonesian suspected Bali-bomber na si Umar Patek na kamakailan lamang ay nahatulan ng Indonesian court ng 20 taong pagkabilanggo sa kanyang kaugnayan sa nangyaring Bali bombing incident sa Bali, Indonesia.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.