Droga sa noodles, pasalubong sa preso

 

SA HALIP na bumisita lang, diretso sa kulungan ang isang babae nang madiskubre sa kanyang pasalubong na cup noodle ang droga sa bayan ng Pototan, Iloilo.

Kinilala ang naarestong si Marissa Jamandre, 35, ng Mulle Loney, Iloilo City na bumisita sa bilanggo na si Joel Barcibas sa Provincial Jail sa Brgy. Nanga.

Nagduda ang frisking officer na si JO1 Denia Armentiya nang mapansin ang nabuksan na sachet ng noodles na muling sinel-

yuhan na dala ng suspek.

Nang inusisa ng jailguard, nakuha sa loob ng sachet ng noodles ang dalawang sachet ng suspected Shabu na umaabot sa 2.8 grams.

Nang imbestigahan naman ang iba pang laman ng plastic, nakuha sa sisidlan ng cotton o bulak ang mga plastic sachet.

Ang naarestong babae ay naka-detain ngayon sa Pototan Municipal Police Station sa Pototan, Iloilo.

Ito na ang ikalawang pagkakataon sa panig ni JO1 Armentiya na naka-intercept ng illegal drugs mula sa mga dumadalaw sa kulungan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.