Droga sa casino sisilipin ng senado

PINASISIYASAT NI Senator Nancy Binay ang naireport na bentahan ng ilegal na droga sa loob mismo ng mga casino.

Base sa Senate Resolution 539 na inihain ng senadora, sinabi nito ang nakasaad sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na polisiya ng pamahalaan na pangalagaan ang integridad na teritoryo nito at kapakanan ng mga mamamayan.

Ayon sa mambabatas, marapat lamang na matiyak ang ugat ng sinasabing bentahan ng droga sa mga casino at masawata ito agad.

Ibinase ni Binay ang kanyang resolusyon sa binanggit kamakailan ni Police Chief Insp. Roque Merdeguia ng PNP Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force (AIDSOTF) na nagkakaroon na rin ng mga transaksiyon ng droga sa loob ng mga casino quarter.

Ibinunyag umano ni Merdeguia na sa halip na pera, droga ang ibi¬nabayad kapalit ng mga casino chip.

Maliwanag aniya na ang naturang kalakaran ay hindi lamang labag sa RA 9165 kundi maging sa money laundering.

Lumalabas sa Dangerous Drugs Board Survey noong 2008, umaabot sa 1.7 milyon ang drug users sa bansa na inaasahang mas lalong lumolobo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.