Droga natagpuan sa selda Jail warden, sibak sa puwesto

JOBLESS NGAYON ang isang warden at dalawang jailguards ng Nueva Vizcaya Provincial Police makaraang madiskubre ang hinihinalang ilang pakete ng Shabu at drug paraphernalia ng mga tauhan ng Nueva Vizcaya Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Scene of the Crime Operatives sa selda ng mga preso.

Ito ay base sa isinagawang spot inspection, matapos ang impormasyong natanggap ng awtoridad na may nagaganap umanong bentahan ng ilegal na droga sa loob ng provincial jail.

Sa ulat, nakapaloob sa pakete ang hinihinalang droga, mga paraphernalia gaya ng plastic sachet, tooter, foil, lighter at hiringgilya.

Nakuha rin mula sa locker ng tatlong jailguards ang isang fragmentation grenade, rifle grenade at shotgun.

Lalo pang bumigat ang kaso ng warden at jailguards nang magpositibo ang mga ito sa droga kasama ang 18 pang preso.

(EUNICE CALMA)

 

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.