DROGA AT IBA PANG SUGAL, LANTARAN SA SANTIAGO CITY

PATULOY RAW ang pamamayagpag ng mga iligalistang umano’y mismong mga alipores din daw ng mayor sa Santiago City. Ito ang napag-alaman sa maraming residente rito partikular na sa Brgy. Mabini sa nabanggit na lugar.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng isang alyas De Leon daw ang umano’y lantaran ang pagbebenta nito ng Shabu at isang nakilala naman sa pangalang ‘Kapitan Supersonic’ ang may talamak na pasugalan tulad ng sakla at salisi sa buong Santiago City sa Isabela.

Nagtatanong ang mga residente rito kung hindi raw ba alam ng kanilang hepe ng pulisya at mga kapulisan ang mga nangyayaring ito sa kanilang lugar kung kaya’t hanggang ngayon ay hindi nadadakip ang mga ito.

Ang mga nabanggit na nagpapatupad ng mga iligal na gawaing ito ay mga alipores daw ng kanilang alkalde na si Amy Navarro at mga opisyal ng gobyerno sa nabanggit na siyudad na kasabwat daw sa kanilang iligal na hanapbuhay.

Kaugnay nito, laganap din ang umano ang operasyon ng STL at Jueteng sa nabanggit na siyudad na umano’y pinatutupad ng isang alyas Martinez na galamay rin ng umano ng mayor at tauhan ng isang gambling lord na maimpluwensiya sa gobyerno. Umano’y may binigay raw na permit sa kanila si PNP Provincial Director S/Supt. Sevirino Abad Jr. upang malaya na silang magpalaro ng mga iligal na pasugalan.

Nais ding manawagan ang mga residente sa Santiago City kay PNP Chief Director General Raul Bacalzo na ipatupad ang ‘one-strike policy’ ng PNP sa mga opisyal ng pulis sa nabanggit na probinsiya gawa ng tila nababale-wala lamang at hindi sila takot sa liderato nito bilang pinakamataas na opisyal ng Philippine National Police.

Nabatid pang kaya malakas daw ang loob ng mga ito na magpatupad ng mga iligal na aktibidades sa nabanggit na lugar, gawa ng may kinsenas at katapusan daw na payolang ibinibigay sa mga nabanggit na opisyal kapalit ang malayang pagpapatupad ng mga iligal na gawain at hindi pagdakip sa kanila.  (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.