Driver, Utas sa Pinsang Tinawag na Bading

DAHIL SA birong pagtawag na jokla o bading, isang driver ang pinatay sa saksak ng kanyang pinsan matapos ang kanilang inuman sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, kamakailan.

Sinabi ni PO2 Rhic Roldan Pittong, imbestigador na nakilala ang namatay na si Avegel Fabito, 31.

Ayon sa mga awtoridad, hinihintay na lamang umano nilang i-turn-over sa kanila ng barangay ang salarin na si Reyster Azores, 21, upang tuluyan nang maisampa ang kaso laban dito.

Naganap ang insidente malapit sa tinutuluyan ng mag-pinsan sa Florville Extension, Delta Village, Tandang Sora ganap na alas-7 ng umaga.

Sinabi ni Mark Villegas, bayaw ng biktima na alas-5:30 ng umaga ay magkasabay na dumating si Favito at ang suspek sa kanilang tahanan na may bitbit alak at kapwa naka-inom na.

Dito ay pinagpatuloy umano ng dalawa ang pag-inom ng alak at sa kalagitnaan ng inuman ay inaasar na umano ng biktima ang suspek na tinatawag niyang jokla.

Sa asar ay padabog na umalis ang salarin at ilang minuto ay sumunod ang biktima.

Samantala, ayon naman sa isa pang testigo na si Brian Darollo, 23, naglalakad siya papunta sa kanilang bahay para manghiram ng kariton nang makita niya ang biktima na sinusuntok ang suspek pero duguan na ito.

Mula rito ay nakita umano niya si Azores na may hawak ng balisong.

Sa ngayon, nagpapa-tuloy ang pagsisiyasat ng pulisya habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.