Driver, Tinarakan sa Inuman

KRITIKAL ANG tricycle driver matapos saksakin ng isa sa apat na hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay nakikipag-inuman sa mga kaibigan kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Isinugod sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kanang bahagi ng katawan ang biktimang si Percival dela Cruz, 48, may asawa, ng No. 99  Bahay Pari, Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente di-kalayuan sa bahay ng biktima kasama ang ilang kaibigan.

Dito, bigla na lamang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing sinasaksak si Dela Cruz saka tumakas habang dinala naman sa naturang pagamutan ang huli.

Inaalam na ng pulisya, ang motibo sa nabanggit na insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.