Driver Pumalag sa 2 Holdaper; 1 Patay, 1 Sugatan

ISANG HOLDAPER ang napatay at isa ang sugatan makaraang pumalag at barilin ng driver na kanilang hinoldap sa Sitio Tibagan, Brgy. Mag-asawang Sapa, Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP Provincial Director P/Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga biktima na sina Van Christian Lingao, 24, may-asawa, hog trader, residente ng 616 Florentino St., Brgy. Wawa, Balagtas at ang kanyang driver na si Severino Dimaculangan, 41, residente ng 832, Lopez Village, Brgy. Panginay, Balagtas; samantalang kinilala naman ang suspek na napatay na si Nelson Lopez Y Reyes, 43; at arestado naman ang kasama nitong si Jor Dennis Magno Y Tapao, 30, ng Brgy. Tibagan, Bustos.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2 ng hapon nang holdapin ng dalawang suspek na lulan ng isang motor at armado ng baril ilang metro lamang ang layo mula sa Oink-Oink Piggery na pag-aari ni Lingao.

Nabatid na natangay ng mga suspek ang halagang P40K at cellphones ng mga biktima, subalit bago tuluyang makatakas ang mga suspek, nakakuha ng pagkakataon ang driver na si Severino,naagaw nito ang cal. 9MM ng mga ito at karakang pinaputukan ang dalawa.

Kung saan sugatan ang mga suspek at nagawa pa rin nitong makatakas, subalit makalipas ang 30-minuto,natagpuang patay ang isa sa mga riding-in-tandem sa Barcial St. sa nabanggit na lugar.

Sa pamamagitan ng follow-up ng pinagsanib na puwersa ng Sta. Maria at Bustos Police, natunton ang suspek sa Sto. Niño Hospital sa Bustos, na may isang tama ng bala sa leeg, kung saan positibo itong kinilala ng mga biktima, at nakumpiska mula rito ang itim na bonnet at cal. 9MM at mga bala.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Driver Pumalag sa 2 Holdaper; 1 Patay, 1 Sugatan

  1. kilala ko yung sinasabing holdaper na namatay..nakakaawa dahil sa totoong buhay mabait na tao yan. marahil nagawa nya gawin yun dahil sa kahirapan. dahil wala naman sya hanap buhay at meron pa sya 2 anak na maliliit pa..nakakalungkot.sana hindi nalang binaril ang mga suspek tutal hindi naman sila sinaktan.pued humingi nalang ng tulong pagkatpos.hindi naman sila sinaktan ng mga suspek.dahil kung talgang halang ang kaluluwa ng mga holdaper na yan tinira na sila ng baril.pero pera lang talaga ang kailngan nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.