Driver, Patay sa Riding-In-Tandem

PATAY ANG tricycle driver matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na nakamotorsiklo habang ang una ay naghihintay ng pasahero kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa di-pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Richard Poul Solomon, 38, may-asawa ng No. 55 Baltazar St., 8th Ave., Grace Park ng nasabing lungsod.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa agarang pagkakakilanlan sa mga suspek na nakatakas.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi, naghihintay ang biktima ng pasahero sa Baltazar St., 8th Ave., West Grace Park ng lungsod nang biglang dumating ang mga suspek.

Dito, walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima saka tumakas habang dinala naman ng ilang kaanak ang una sa naturang pagamutan subali’t sa daan pa lang ay nalagutan na ito ng hininga.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nabanggit na krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.