Driver, Patay sa Riding in Tandem

PATAY ANG tricycle driver matapos barilin ng isa sa dalawang suspek na nakamotorsiklo habang nagmamaneho ang una para ihatid ang pasahero kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nasawi sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng tama ng bala sa di-pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si Genaro Belmes Jr., 31, ng Martiniko St., Brgy. Longos, Malabon City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad upang alamin ang pagkakakilanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C-3 Road, Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Kasalukuyang hinahatid ng biktima ang pasahero nito sa nabanggit na lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek na nakamotorsiklo saka malapitang binaril si Belmes na tinamaan sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Tumakas naman ang mga suspek sa di-malamang direksyon dala ang ginamit na baril lulan ng motorsiklo na hindi na nakuha ang plaka.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.