Driver patay sa lasing

TODAS ANG ISANG driver matapos pagsasaksakin ng lasing sa harap ng pinapasukan ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Erther Palingcod, 24, ng Tatalon, Quezon City.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Benny Getalado, nasa hustong gulang ng Tenejeros, Malabon City .

Sa ulat, alas-8:45 ng gabi, nasa harap ng pinapasukan na Grand East Empire sa Tanigue St., ng lungsod ang biktima nang lapitan ng lasing na suspek at walang salitang pinagsasaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa TGH ang biktima kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo ni Getalado.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.