Driver, Patay sa 2 Senglot

PATAY ANG driver nang pagbabarilin ng dalawang lasing habang ang una ay nakatambay sa labas ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rudyver Saladaga, 38, ng Gumamela St., Tala ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na Bunso at Orac, kapwa ng Phase 12, Tala ng lungsod.

Sa ulat, alas-9:15 ng gabi, nakatambay sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang sumulpot ang mga lasing na suspek at pagbabarilin si Saladaga.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMH.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.