Driver, niratrat sa tapat ng bahay

NASAWI ANG ISANG driver nang pagbabarilin ng dalawang kapitbahay habang ang una ay inaayos ang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Mario Lagrisola, 23 ng Sampaguita St., Maligaya Park, Camarin ng lungsod.

Pinaghahanap naman si Larry Fajardo kapitbahay ng biktima at isang hindi pa kilalang kasama nito.

Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi, inaayos ng biktima ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay nang dumating ang mga suspek at pagbabarilin si Lagrisola.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek na parang walang nangyari.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.