Driver ng motorsiklo, nakabundol, dedo; 2 pa kritikal

PATAY ANG isang driver ng motorsiklo nang tumilapon ito matapos makabundol ng isang dalagitang papatawid sa kalsada sa bayan ng Malungon, lalawigan ng Sarangani.

Kinilala ang nasawi na si Reylando Delacuesta, 25-anyos habang ginagamot ang backrider nito na si Darwin Pulmones, 33-anyos, gayundin ang na-

bundol na si Lyza Dugaduga, pawang mga residente ng Purok Katipunan, Brgy. Poblacion.

Sa isinagawang imbestigasyon ng kapulisan, lulan ang dalawa ng isang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada, subalit pagtumbok ng mga ito sa Sitio Talangtay, Brgy. Poblacion, biglang tumawid umano ang isang dalagita na residente ng Brgy. Lutay sa nasabing bayan.

Dahil sa mabilis umano ang takbo ng motorsiklo, nasagasaan nila ang dalagita at saka sila tumilapon mula sa sinasakyang motorsiklo.

Dagling itinakbo sa General Santos City Hospital ang tatlong biktima, subalit na-lagutan din hininga si Delacuesta habang nilalapatan ng lunas bunsod ng matin-

ding pagkabagok ng ulo nito na humampas sa semento, habang kritikal naman ang backrider nito.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.