Driver ng Konsehal sa Pasay, Todas sa Riding-In-Tandem

PATAY ANG isang driver ng tumatakbong konsehal sa kampo ng mayoralty candidate Jorge del Rosario, nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan na nakamotorsiklo, habang nagsasagawa ng ‘house to house’ kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dead-on-the spot sa lugar ng pinangyarihan ng krimen sanhi ng tama ng bala sa ulo at iba pang parte ng katawan ang biktimang si Wilfredo Panahon, 38, binata, driver, at residente ng F. Victor St., Bgy. 61, Pasay City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Primero de Marso St., Bgy. 107 ng nasabing lungsod.

Isang masusing im-bestigasyon naman ang isinasagawa ng Pasay Police upang alamin ang pagkakakilanlan ng mga suspek lulan ng Honda XRM motorcycle na hindi na nakuha pa ang plaka.

Ayon kay Alvin Cruzin, tumatakbong konsehal sa district-2 sa kampo ni Del Rosario, papalabas na sila sa isang bahay kung saan nagsagawa ng ‘house to house’ nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin ang biktima na naging dahilan ng agaran pagkamatay nito.

Matapos ang krimen ay mabilis na pinaharurot ng mga suspek ang  motorsiklo papatakas.

Nanawagan ang Team Del Rosario sa pamunuan ng Commission on Election (Comelec) na ilagay sa hot spot ang Pasay city matapos ang karumal-dumal na insidente na tiyak may kinalaman sa politiko.

Sinabi pa ng Team Del Rosario na hindi sila titigil hangga’t hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Panahon.

“Wala na silang ibang alam gawin kundi ang pumatay, marami na po akong death threat na natatanggap na kapag hindi ako tumigil sa pagsuporta kay Del Rosario, ay mangyayaring masama,” ani pa ni Cruzin.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.