DRIVER, NATALO NG P3-M, PINAKULONG

Gapan City, Nueva Ecija – Kalaboso ang isang Driver/Collector makaraang magsampa ng reklamo ang kanyang amo matapos madispalko nito ang pinagbentahan ng bigas sa Olongapo City na nagkakahalaga ng mahigit sa P3 milyong piso.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt.Ricardo Villanueva, chief of police ng Gapan City kay P/SSupt. Robert Aliggayu, PNP Provincial Director, kinilala ang inarestong suspek na si  Zaldy Santos y Espinosa, 44, residente ng Camino St., Brgy. San Nicolas, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Dominga Garcia, 57, may-ari ng Briliant Grains Ricemill ng Brgy. Bayanihan kapwa sa lungsod na ito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Albretch Von Ferrer, dakong alas-9:00 ng gabi nang madakip ang suspek nang makita ito ng mga operatiba ng intelligence Unit ng Gapan City PNP ilang metro lamang ang layo mula sa rice mill ng kanyang pinagsisilbihang amo.

Ayon sa salaysay ng kanyang amo, inutusan umano nito ang kanyang driver na mag-deliver ng bigas sa lalawigan ng Zambales sa Olongapo City, kung saan 4000 bags ng bigas ang dinala ng suspek, subalit hindi nito nai-remit ang pera dahilan upang ipaaresto ito ng may-ari.

Kaugnay nito, nabatid na aminado naman ang suspek sa krimeng ginawa at idinahilan pa nito na ang nasabing napagbentahan ng bigas na umabot sa halagang tatlong milyon piso ay naipatalo umano nito sa sugal.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.