Driver, Natagpuang Patay sa Pinapasadang Pedicab

NATAGPUANG PATAY ang isang pedicab driver sa loob ng pinapasada nitong pedicab sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Antonio Canlas, nasa hustong gulang ng Asogue St., Tugatog ng lungsod.

Sa ulat, alas-6:50 ng gabi nang makitang nakahiga ang biktima sa loob ng pinapasadang pedicab habang nakaparada sa Gov. Pascual Avenue, Tugatog ng lungsod ng kapwa driver na si Agustin Mawota.

Sa pag-aakalang nakatulog ay ginising ng saksi ang biktima subalit hindi tumutugon ang huli.

Nang tingnang mabuti ng saksi ay nakitang patay na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis kung saan wala naman nakitang palatandaan na pinatay.

Inaalam na kung ano ang ikinamatay ng biktima. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.