Driver, nagbigti dahil sa problema sa pamilya

MINABUTI PA NG isang driver na magbigti sa loob bahay ng amo nang hindi na makayanan ang problema sa pamilya sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Patay na nang makita ang biktimang si Luis Solomon, 41 ng P. Jacinto St., ng nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-8 ng gabi, hinahanap ng mga katulong ang biktima sa bahay ng amo nila sa Asistio St., ng lungsod upang maghapunan.

Pinuntahan ang biktima sa kuwarto nito subalit laking gulat nang makitang nakabigti ng nylon cord na naging dahilan upang itawag sa pulis.

Nabatid na problema sa pamilya ang dahilan upang magbigti ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.