Driver na nanghimas ng dibdib ng dalagita, tiklo

KALIBO, AKLAN – ARESTADO ang isang 53-anyos na driver ng multicab matapos na manghimas ng dibdib ng isang 17-anyos na dalagita.

Base sa ulat, bigla na lamang umanong inakbayan ng suspek na kinilalang si “Lak-Lak” ang biktima na naglalakad at dumiretso ang kamay sa dibdib ng babae dahilan upang ito’y nagreklamo na nagresulta naman sa pagkakakulong sa suspek sa Kalibo PNP.

Napag-alaman na ang suspek ay may dati nang rekord ng pambabastos kagaya ng paghawak sa puwet ng mga babae habang paakyat sa kanyang multicab.

Maliban dito, may kaso rin ang nasabing suspek ng pananaksak sa kasintahan ng babae na nakita nitong naglalambingan.

Makailang beses na ring nakulong si “Lak-Lak” sa halos magkaparehong kaso ng pambabastos sa mga kababaihan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Driver na nanghimas ng dibdib ng dalagita, tiklo

  1. Pingback: Driver na nanghimas ng dibdib ng dalagita, tiklo - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.