Driver na nag-aabang ng pasahero, patay sa boga

PATAY ANG TRICYCLE driver matapos barilin ng isang di-pa kilalang salarin habang ang una ay nag-aabang ng pasahero, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sa Tala, Caloocan City sanhi ng tama ng handgun sa dibdib ang biktimang si Allan Alcala, 41, may-asawa, ng Phase 8-A, Package 8, Block 89, Lot 38, Bagong Silang, Caloocan City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng pulisya sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 8-A, Package 8, secondary road, ng nasabing lungsod habang ang biktima ay nakaparada at naghihintay ng pasahero.

Dito, biglang lumutang ang suspek na armado ng handgun at walang sabi-sabing pinaputukan si Alcala saka tumakas.

Isinugod naman sa naturang pagamutan ang biktima subalit habang nilalapatan ng lunas ay nalagutan din ito ng hininga.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nabanggit na krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.