Driver, Minolestiya Ang Nene Sa Pinapasadang Pedicab

KULONG ANG isang pedicab driver matapos madaanan ng mga barangay tanod na minomolestiya ang isang nene sa loob ng pinapasadang pedicab ng una sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Danilo Dela Cruz, 38, ng Sabalo St., Caloocan City.

Sa ulat, ala-1 ng umaga, nadaanan ng mga barangay tanod ang pedicab ng suspek sa Lascano St., Tugatog ng lungsod subalit laking gulat ng mga una nang makitang minomolestiya ng huli ang isang neneng edad 14.

Hindi na nakatakbo ang suspek nang dambahin ng mga tanod bago dinala sa presinto.

Sa pahayag ng suspek, nasa pilahan siya ng pedicab nang lapitan ng biktima at sinabing kailangan ng pera.

Binigyan ng P100 ng suspek ang biktima at pumayag na magpagamit sa pedicab subalit nadaanan ng mga nagrorondang tanod.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.