Driver kritikal sa tinanggihang pasahero

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang tricycle driver makaraang pagsasaksakin ito ng pasahero ng kanyang tinanggihang pasakayin habang ang una ay nakaparada sa terminal kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa kanang hita at dalawa sa likod ang biktimang si Lee Villaruel, 32, binata, ng Blk. 27, Lot. 37, Phase 2, Area 1, Dalag St., Kaunlaran Village, Brgy. NBBS, Navotas City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Michael, nasa hustong gulang, ice vendor, at kalugar ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 3:40 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Dalag TODA Terminal, Phase 2, Area 1, Kaunlaran Village ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, kasaluku-yang nakaupo ang biktima  sa kanyang motor habang nakaparada sa naturang terminal nang dumating ang suspek na lango sa alak, sumakay ang suspek sa motorsiklo ng biktima para magpahatid sa kanilang bahay.

Dahil sa lasing ay tinanggihan ito ni Villaruel na ikinagalit naman ng suspek. Dito agad na binunot ng una ang kanyang patalim at sinaksak sa paa ang huli.

Nagawa pang tumakbo ang biktima subalit nang habuli ng suspek at nang maabutan ay tinarakan uli ito ng dalawang beses sa likod saka tumakas.

Dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima na isang Carlito Manaog para lapatan ng lunas ang tinamo nitong mga sugat. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.