Driver, Kritikal sa mga Holdaper

KRITIKAL ANG isang tricycle driver matapos saksakin ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang mga holdaper nang pumalag ang una sa Navotas kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Lee Villaroel, 33, ng Phase 2, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Base sa ulat, ala-1:40 ng umaga, sumakay ang mga suspek sa tricycle ng biktima at pagsapit sa tulay ng C-3 ng lungsod ay nagdeklara ng holdap ang mga una.

Pumalag ang biktima na naging dahilan upang saksakin bago tumakas ang mga suspek dala ang hindi pa batid na halaga ng pera ni Villaroel.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.