Driver, kritikal sa makulit na kainuman

KRITIKAL ANG DRIVER matapos saksakin ng kainuman nang umuwi ang una dahil makulit na ang huli sa Navotas, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa likod si Agapito Vinas, 36, ng Bahay Toro, Quezon City.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Jerome Lazarte, nasa hustong gulang ng Mandaragat St., Dagat-dagatan ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-11 ng gabi, kainuman ng biktima ang suspek at ilang kaibigan sa Mandaragat St., nang maging makulit si Lazarte.

Upang hindi na makulit ng suspek ay umayaw na sa tagay ang biktima at nagpaalam na uuwi na.

Naglakad ang biktima subalit hindi pa nakakalayo ay sinundan ng suspek bago sinaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa JRMMC ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.