Driver, kritikal sa lasing na pulis

KRITIKAL ANG isang driver matapos barilin ng lasing na pulis makaraang magkagitgitan ang mga dalang sasakyan sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Manila Central University hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang sintido si Jodan Magno, 24 ng Macaneneng st., Bagong Barrio ng lungsod.

Ginagamot din sa MCU sanhi ng pinsala sa katawan nang sumalpok sa pader ang dalang motorsiklo si PO2 Oliver Henson, 29 nakatalaga sa Station 1 ng Caloocan City Police.

Batay sa ulat, alas-10 ng gabi, nakagitgitan ng jeep biktima ang motorsiklo ng suspek sa Araneta Avenue, Potrero ng lungsod na na-ging dahilan ng pagtatalo.

Kinuha ng pulis ang baril at pinutukan ang biktima bago tumakas dala ang motorsiklo subalit sumalpok naman sa pader sa nasabing lugar dahil sa pagmamadaling makatakas.

Agad na dinala ang biktima at suspek sa MCU.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.