Driver, Kritikal sa Bala

 

KRITIKAL ANG isang driver matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad galing sa inuman sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Teddy Amonia, 31 ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, nagpaalam ang biktima sa mga kainuman na uuwi na at habang naglalakad ay pinaputukan ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa JRMH ang biktima habang inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng una.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.