Driver, Kritikal sa 2 Carnapper

KRITIKAL ANG jeepney driver nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga carnapper nang tumangging ibigay ng una ang pinapasadang jeepney sa mga huli sa Malabon City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Joel Concepcion, 36, ng M. H. Del Pilar, Maysilo ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:30 ng umaga, sakay ng biktima ang mga suspek sa pinapasadang jeepney at pagsapit sa M. H. Del Pilar, Tenejeros ay naglabas ng mga baril ang mga huli.

Pilit inaagaw ng mga suspek ang manibela subalit pumalag ang biktima na naging dahilan upang pagbabarilin ng mga huli.

Matapos ang insidente ay bumaba sa jeepney ang mga suspek at nagsitakas habang dinala naman sa JRMMC ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.