Driver, kalaboso sa boso

HINDI NA umubra pa ang pamboboso ng isang 26-anyos na driver sa ka-boardmate nitong ginang matapos itong madakip ng mga operatiba ng pulisya sa mismong kisame ng kuwarto ng pinagpapantasyahang babae sa boarding house sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte.

Hindi na nakapalag sa aktong nasa itaas ng kisame ang salarin na si Robert Manolong ng Ipil, Zamboanga Sibugay at pansamantalang tumutuloy sa boarding house sa Barangay Fatima sa naturang bayan.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, rumesponde ang mga awtoridad sa pamumuno ni SPO2 Romeo Abil matapos na magreklamo ang ginang na si Renely Villamil, 31.

Lulamabas sa kuwento ni Villamil, bandang alas-12:01 ng madaling-araw ng maalimpungatan siya dahil may kumakaluskos sa kisame ng boarding house na pag-aari ni Norma Sayon.

Agad namang humingi ng saklolo ang ginang sa may-ari ng boarding house kung saan tumawag na ng mga awtoridad.

Napag-alaman na ang salarin at si Villamil ay magka-boardmate sa boarding house.

Samantala, base pa rin sa pagsisiyasat na gumawa ng butas sa kisame ang suspek upang mabosohan ang biktima lalo na kapag nagbibihis ito at bagong paligo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.