Driver, Initak sa Inuman

KRITIKAL SA pagamutan ang buhay ng isang tricycle driver matapos itong pagtatagain ng kanyang kaalitan habang ang una ay nakikipag-inuman sa kaibigan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital sanhi ng mga taga sa katawan ang biktimang si Alexander Macayan 40, may-asawa, ng Blk. 16-C, Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Christopher Mirabueno, nasa hustong gulang, ng Camada Compound, Brgy. 12 ng nasabing lungsod na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi, nakikipag-inuman si Macayan sa kanyang kaibigan sa kahabaan ng Pusit Alley, Brgy. 12, Caloocan nang dumating ang suspek na armado ng itak.

Walang sabi-sabing pinagtataga ng suspek ang nabiglang biktima saka mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan.

Inaalam na ng pulisya ang pinag-ugatan ng naturang insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.