Driver-Bodyguard ni Tac Padilla, Niratrat ng 3, Utas

 

UTAS ANG driver/bodyguard ni shooter champion at may-ari ng Soap and Oil Spring na si Tac Padilla matapos ratratin ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay nakaupo sa tabi ng burulan sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at mukha si Ernesto Baybay Jr., alyas “Estong”, 41, ng C. Perez St. , Brgy. Tonsuya ng lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng umaga, nakaupo ang biktima sa tabi ng burulan sa nasabing lugar nang sumulpot ang mga suspek at tadtarin ng bala si Baybay.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek dala ang baril ng biktima habang dinala naman ang huli sa TMC.

Inaalam na ng mga suspek ang dahilan upang patayin si Baybay.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.