Driver at pahinante, pinatay sa sakal

NALAGLAG SA KAMAY ng mga otoridad ang lima sa 10 miyembro ng robbery syndicate na pinamumunuan ng isang pulis sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang nadakip matapos patayin sa sakal ang  pahinante at driver ng truck na may lamang 840 kahon ng pineapple juice na kanilang hinay-jack sa Caloocan City, noong Martes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Allan Alcantara, 42, may asawa, naninirahan sa Block 25, Lot 22, Phase-1, Green Gate Homes, Malagasang, Imus, Cavite; Gilbert Gonio, 32, may asawa, ng DPWH, Parola Compound, Binondo, Manila; Ricardo Chavez, 50, may asawa, ng No. 1060 A. Rivera Street, corner Bambang Street, Manila; Ricardo Castillo, 50, ng Muelle Dela Industry, Del Pan, Parola Compound; at Pablo Angeles, 24, may asawa, ng No. 649 Baseco Compound, Tondo,Manila na nahulihan din ng isang cal. 38 at apat na bala.

Pinaghahanap pa ang kanilang mga kasamahan na sina alyas “Jonjon,” alyas “Weng” at magkapatid na Rommel at Dionisio Rosete.

Hiniling naman sa media ni P/ Sr. Supt. Jude Wilson Santos, hepe ng Caloocan City Police, na huwag munang banggitin ang pangalan ng pulis na taga-NCRPO, na ikinanta ng mga nadakip na kanilang mastermind.

Ayon sa report, sakay ng 10-Wheeler Hino  Truck (TXT-762 ) ng biktimang sina  Nove Canal, 27, ng Building 6, Temporary Housing, Tondo Manila, kasama ang pahinanteng si Percy Surban, 31, sa kahabaan ng C-3 Road, Caloocan City, nang harangin ng mga suspek na sakay naman ng Mitsubishi Adventure (Maroon- ZPA 447).

Dinala ng mga suspek ang truck sa isang warehouse sa San Rafael Bulacan, habang sina Canal at Surban ay pinatay sa sakal bago itinapon ang kanilang mga bangkay sa DRT Highway Barangay, Pinagbarilan, Baliuag, Bulacan.

Pasado alas-8 ng gabi, isang tawag ang natanggap ng Caloocan Police, dahil sa Mitsubishi Adventure na ginamit ng mga suspek na nakaparada sa isang gasolinahan sa C-3.

Rumesponde ang mga tauhan ni Santos at nadakip ang mga suspek.

Hindi na narekober ng mga pulis ang 840 kahon ng juice na nagkakahalaga ng umaabot sa P681, 000 na pag-aari ni Willie Castro. Kinasuhan na ang mga nadakip ng Highway Robbery with 2 counts of Homicide. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.