Driver at pahinante, Inabandona Tanker ng krudo, hinaydyak

MAY BUSAL ang mga bibig, nakapiring ang mga mata at nakagapos ang mga kamay at paa nang matagpuan ng ilang mga  residente ang driver at pahinante sa ilang na lugar ng Zone-5, Sitio Pastol, Brgy. Muzon, San Jose del Monte City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang mga biktima na sina Nestor Saclausa Y Caidoy, 56 anyos, tubong-Manila; at Ernesto Saclausa Y Calarte, 24, binata, kapwa residente ng Southville 2, Trece Martires, Cavite habang apat na hindi nakilalang mga suspek na armado ng maikling kalibre ng baril na lulan ng kulay itim na kotse ang tumakas tangay ang isang 10-wheeler truck lulan ang 16,000 litro ng diesel na hinaydyak sa bahagi ng Sto. Tomas, Batangas.

Base sa inisyal na

imbestigasyon ni PO1 Afrassad Saddari, dakong alas-7:30 nang makita ng ilang mga residente ang dalawang biktima na itinapon sa madawag na lugar ng nabanggit na sitio.

Nabatid sa dalawang biktima na bandang alas-4:30 ng madaling-araw ng Hulyo 21 nang harangin sila ng mga suspek na kapwa nakasuot ng bonnet at armado ng cal. 45 na baril.

Kung saan tinangay ng mga suspek ang tanker ng Titans Gas Logistics na may plakang UVZ-687 na pag-aari ni Ronald Allan Espenosa Y Bautista.

Ayon pa sa mga biktima, mahigit 14 na oras silang isinakay sa nabanggit na sasakyan, bago iniwan sa madamong lugar ng Brgy. Muzon.

Samantala, kinumpirma  naman ni P/Chief Inspector Manuel Castillo ng Sto. Tomas Police Station na hinaydyak ang nabanggit na tanker ng krudo.

(TONY DELA PEÑA)   

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.