Driver at Kusinero, Tiklo sa Pot Session

ARESTADO ANG isang driver at isang kusinero makaraang mahuli sa akto ng mga awtoridad habang nagsasagawa ng pot session sa isang abandonadong bahay sa Brgy.Perez, Meycauayan City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Sidney Villaflor kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Gerardo Francisco, 51 anyos, kusinero, ng Blk. 49, Lot 16, Balete Drive, Brgy. Sto. Niño; at Rolly Esguerra, 37, driver, ng 325 P. Datig St., Brgy. Camalig sa nabanggit na siyudad.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-3 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na paghitit ng droga sa nabanggit na lugar.

Nabatid na madalas na umanong nakikita sa natu-rang lugar ang mga suspek na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang ilang gramo ng Shabu at Shabu paraphernalia, samantala detenido ngayon ang mga suspek sa Meycauayan City Jail habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.