Drive Me Crazy!

KAPANSIN-PANSIN NA PARATING nasisibak nang maaga ang mga shows ngayon ni Eugene Domingo. Matapos magbabu ang Jejemom sa GMA-7, nalalapit na ring mag-farewell ang comedy series ni Uge sa TV5 na Inday Wanda. Maraming mahadera tuloy ang nagsasabing baka maagang mala-ocean deep ang magaling na komedyana, na baka raw pinagsasawaan na siya ng mga manonood! Pero in fairness to Uge,

hindi lang pang-comedy ang lola n’yo, game na game rin itey sa drama, ‘noh at pagdating sa pagho-host, panalo rin ang hitad. Kaya kung sakali mang pati ang Comedy Bar nila ni Allan K ang matsugi soon, sure na may kalalagyan pa rin ang very talented at versatile actress na si Eugene Domingo. May aangal pa? Ching!

Naispatan ng aming kamerang-gala si Uge habang pasakay ng kanyang brand new car? Brand new ba talaga ‘yan? chos! Can you drive me crazy Mama Uge? He-he-he.

Photos by Mark Atienza

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.