Drilon, umalma sa kinakaharap na plunder case

“TALAGANG MALISYOSO at maliwanag na walang kabase-base.”

Ito ang sinabi ni Senate President Franklin Drilon sa isinampang plunder case laban sa kanya ni dating Congressman at dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Augusto Syjuco.

Binatikos lang ng mambabatas ang pagsasampa ng kaso habang patuloy pang pinag-uusapan ang pork barrel kahit mahigit 20 taon na ang nakararaan nang ipatayo niya ang Hall of Justice sa Iloilo.

“[Isinampa ito] after 22 years… malisyo, political harassment, tinitiyempo ngayon sa PDAF (Priority Development Assistance Fund).”

Nakahanda naman si Drilon na harapin ang inihaing kaso ni Syjuco.

Samantala, ikinatuwiran ni Syjuco, ang nasabing kaso ay ang iligal na pagpapatayo ng Hall of Justice, ang pagiging depektibo nito at ang pagkawala ng P75 milyon sa dalawang transaksyong kinasasangkutan ng senador kabilang ang pork barrel.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.