Drilon, Target Maging Pangulo ng Senado

KINUMPIRMA NI Sen. Franklin Drilon na kinakausap na nila ang mga senador para makuha ang suporta para sa Senate presidency.

Ayon kay Drilon, ito ang napag-usapan nila ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa ginawang closed door meeting sa Malacañang.

Sinabi ni Drilon na nagpapasalamat siya sa suportang ibinigay nina Senator-elect Sonny Angara at Senator-elect Alan Peter Cayetano, gayundin mula kay Senator-elect Koko Pimentel.

Inihayag din ni Drilon na hindi na bago ang suporta ng mga Cayetano sa kanya lalo sa nagdaang tatlong taon.

Samantala, ang magkapatid daw na Cayetano ay anak ni dating Sen. Rene Cayetano kaya maliban sa pagkakasama sa Senado, personal din ang kanilang relasyon.

“Well, he just asked me how things are, I said, “Well, we’re talking to the senators and we are seeking their support,” ani Drilon. “Well, I thank Allan if that is true. I thank him very much, and appreciate his expression of support. As I said, between me and the Cayetano siblings, we have been supportive even before to our Senate stint together because I knew the father and we were together in the same law firm—Alan and Peter were… the kids of the late Senator Rene Cayetano. So they are more than colleagues in the Senate. (I) have personal relationship with them.”

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Drilon, Target Maging Pangulo ng Senado

  1. Yehey makukuha na ni Mantika Drilon de balimbing ang senate presidency,,,, mabuhay ka mantika(edible oil).

Leave a Reply

Your email address will not be published.