Drilon: Supplemental Budget , Kapalit ng PDAF

IMBES NA maglaan ng P30 bilyong pondo para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda hinikayat ni Senate President Franklin Drilon ang Kongreso na agad na aprubahan ang isang supplemental budget sa General Appropriations Act of 2013 para sa rehabilitasyon sa Leyte at ibang lugar na hinagupit ng nasabing kalamidad.

Sinabi ni Drilon na dapat kunin ang supplemental budget mula sa P14.5 billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) na hindi na maaaring galawin matapos ideklara ng Supreme Court (SC) ang PDAF na labag sa batas.

Ayon sa mambabatas, dapat ideklara na urgent ni Pangulong Noynoy Aquino III ang kanyang Senate Bill No. 1938 para agad na mapondohan ang rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar.

“I am asking our President to certify this proposal as urgent. I will talk to House Speaker (Feliciano) Belmonte within the day,” ani Drilon.

Inihayag pa ng pangulo ng Senado na mahalagang maipasa ng Kongreso ang panukala bago mag-expire ang GAA of 2013 sa Disyembre 31, 2013.

“I think it can be done in a while, a couple days and we will suspend the debates on the 2014 budget once the House passed its version,” pahayag pa ni Drilon.

Samantala, sinabi rin ng mambabatas na hindi siya pabor sa panukalang pagtatatag ng Yolanda Commission upang mapabilis ang rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar sa Visayas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.