Drilon, kinasuhan na naman ng plunder

MULING NAHAHARAP sa kasong plunder si Senate President Franklin Drilon.

Ito na ang ikalawang kaso ng pandarambong ng pangulo ng Senado sa loob lamang ng isang linggo mula kay dating Iloilo Rep. Augusto “Buboy” Syjuco.

Lumalabas sa reklamo ni Syjuco, pumasok ang mambabatas sa maanomalyang pagbili ng lote na pinaglipatan ng mga informal settlers mula sa gilid ng Iloilo river.

Sinabi ng dating kongresista na nabili lamang ang 16.2 hectares na lote noong 2006 sa Brgy. San Isidro, Jaro, Iloilo sa halagang P2.7 milyon ngunit idineklara umanong P63 milyon.

Maliban sa nasabing kaso, naghain na rin ng plunder case si Syjuco laban kay Drilon hinggil sa malaking ginastos umano sa hall of justice ng Iloilo ngunit sub-standard ang pagkakagawa dahil sa ibinulsang pondo.

Sa panig naman ni Drilon, kaduda-duda umano ang paglabas ng mga kasong ito lalo’t inuungkat lamang ang mga lumang isyu.

Samantala, todo-tanggi naman si Drilon sa sunud-sunod na pag-atake sa kanya ni Syjuco.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.