Drilon, Handang Amyendahan ang Sin Tax Bill

HANDA SI Senate ways and means committee chairman Sen. Franklin Drilon na amenyedahan ang Sin Tax Bill. Tiwala itong matatapos na ang pagtatalakay sa kontrobersiyal na panukala ngayong araw upang maisalang na sa second and third reading.

“Sisikapin ko po na matatapos lahat, dahilan sa palagay ko naman wala nang debate, botohan na lang kung ano ang karapat-dapat na pagbabago doon sa mga rates na nakalagay sa aming committee report,” pahayag ni Drilon.

Nagpaalala na rin ang Palasyo na urgent ang panukalang ito upang mapabilis ang proseso.

Nagsabi naman si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi siya boboto ng pabor kung ‘di maipasok ang amendments na nais nitong isulong.

Hindi niya umano maintindihan kung paano nakuha ang P26.8 bilyon na kikitaing buwis mula sa tabako gayong ayon sa kalkulasyon ng senador, P20 bilyon lamang ito na nakasaad sa amyenda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.