Drilon, ‘di pabor kay Mar sa 2016 polls

KAHIT SA loob ng ruling Liberal Party (LP), may pag-aalinlangan sa naging pagtanggap sa sinabi ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya, kasalukuyang secretary general at acting president ng partido, sa naging ideya na si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Manuel Roxas II ang magiging presidential bet sa 2016 polls.

Isa sa mga nagpakita ng tila hindi pagsang-ayon sa tinuran ni Abaya ay mismong ang LP Vice chairman at kasalukuyang Senate President na si Sen. Franklin Drilon sa pamamagitan ng direktang pag-iwas sa katanungan sa kanya sa isang panayam.

“Siguro, magtrabaho muna tayo sa Bangsa¬moro Basic Law bago ang politika. The best politics to me is performing your job. Ang paghahanda, ang pinakamaayos ay ‘yung paggawa mo ng trabaho,” pahayag ni Drilon nang sabihin sa kanya sa isang panayam na si Roxas nga ang isa sa ikinukonsiderang pambato ng LP sa 2016 base sa ideya ni Abaya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.