Drilon: ‘Di Ako Gutom sa Puwesto

MULING NILINAW ni Sen. Franklin Drilon na hindi magiging reward sa kanya ang Senate presidency dahil sa kanyang pangangampanya para sa Team PNoy noong halalan.

Ito ay kasunod ng pagbibitiw ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Sinabi ni Drilon na boto ng mga senador ang batayan kung sino ang papalit kay Enrile at walang kapangyarihan ang pa-ngulo upang mag-appoint.

Sakaling siya nga ang susunod na Senate president, itinuturing ito ni Drilon na karangalan para sa mga Ilongo.

Subalit kung hindi man mapunta sa kanya ang puwesto, walang problema para kay Drilon at iginiit na hindi siya gutom sa puwesto.

Napag-alaman na bago pa man ang hindi inaasahang pag-resign ni Enrile, matunog na ang pangalan ng Ilongo senator bilang susunod na Senate president.

Inamin din ni Drilon na hindi nito alam kung paano reresolbahin ang hindi pagkakasundo ng mga senador sakaling siya ang maging kapalit ni Enrile.

Samantala, nauna nang sinabi ni Senate Pro-tempore Jinggo Estrada na siyang tumatayong pansamantalang Senate president na sakaling maging kapalit si Drilon ay magsisilbing minority leader nila si Enrile.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.