Drew Arellano at Iya Villania; Karylle at Yael Yuzon, magpapakasal na next year!

Karylle-Yael-Yuzon Drew-Arellano-Iya-VillaniaANG DAMI yatang ikakasal sa susunod na taon, ha?!

Bukod sa kasalang Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo sa June, ikakasal na rin daw sina Drew Arellano at Iya Villania sa January.

Sa March naman daw sina Karylle at Yael Yuzon.

Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ba walang balak? Naku! Magulat na lang tayo, mag-a-announce na ‘yan sila. Pero wala pa silang kinukumpirma sa ngayon. Hindi naman daw nila itatago ‘yun.

Ganu’n din ang sabi ni Vic Sotto, ‘di ba? Malay natin, baka next year na rin ang announcement nila ni Pauleen Luna.

Bongga ‘yan! Matataranta tayo sa kaku-cover ng mga ikakasal next year.

Abangan n’yo bukas sa Startalk ang kuwento namin tungkol diyan.

Ang magkukuwento muna sa atin ang plano nina Boots at Atty. King Rodrigo. Masaya ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Drew Arellano at Iya Villania; Karylle at Yael Yuzon, magpapakasal na next year!

    • At bakit naman siya magpapakasal? She’s at the height of her career to tie the knot. If I know, memo ng GMA kay Dingdong na huwag syang alokin ng kasal. Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.