DREAM ng Project NOAH, Palalakasin ng DOST

INAASAHANG PALALAKASIN ang Disaster Risk and Exposure Assessment for Mitigation (DREAM) na component ng Project NOAH na isa sa flagship program ng DOST na pinoponduhan ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development(PCIEERD-DOST).
Matatandaang natapos na ng DREAM ang pag-scan sa 17 sa target na 18 critical river basins sa bansa sa pamamagitan ng Light Detection and Ranging (LIDAR) na nakalikha ng high resolution, up-to-date at 3D
flood hazard maps. Gayundin, sa kasalukuyan ang dalawang aircrafts na tinatawag na Pegasus at Aquarius ang LIDAR instrument.
“Dati nangangarap lang tayo, ngayon a simple Juan can be smarter sa paggamit ng Project NOAH sa pang araw araw na buhay,” pahayag ni Dr. Rowena Cristina L. Guevara, Executive Director ng PCIEERD.
Ang mga component ng Project NOAH ay ang mga sumusunod: Hazards Information Media; Hydromet Sensors Development; Enhancing Geo-Hazards Mapping Through LIDAR; Landslide Mapping, Storm Surge Inundation Mapping; Wise; Doppler Systems Development; at Landslide Sensors Development.
Maaaring magamit ng publiko ang benepisyo ng Project Noah na malaking tulong sa disaster management na maa-access sa www.noah.dost.gov.ph na world class na produkto mula sa DOST.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.